Plantito, plantita `wag basta mangolekta

Pinaalalahanan ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang mga plantito at plantita sa pagbili ng mga “critically-endangered” na mga halaman.

The post Plantito, plantita `wag basta mangolekta first appeared on Abante.

plantito plantita wag basta mangolekta - Plantito, plantita `wag basta mangolekta
DENR - Plantito, plantita `wag basta mangolekta

Pinaalalahanan ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang mga plantito at plantita sa pagbili ng mga “critically-endangered” na mga halaman.

Sa pagdinig ng panukalang P25.4 bilyong pondo ng DENR para sa 2021, nagbabala si Assistant Secretary Ricardo Calderon tungkol sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act kung saan may katumbas na parusa ang bumibili ng mga endangered plant species.

“Yon pong Wildlife Act covered po noon ang flora and fauna (plants and animals) kaya po ine-emphasize po natin sa ating publiko na hindi ho basta naga-gather ng halaman sa mga kagubatan,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Calderon, binibigyan umano nila ng permit ang mga trader bago sila makapagbenta ng mga halaman.

Tinanong ni Senador Nancy Binay ang DENR kung may information campaign ba silang ginagawa tungkol sa mga halaman na hindi maaaring kolektahin na sinoman.

Sabi naman ni Calderon, ang information at education campaign ay bahagi ng P78 milyong pondo para Wildlife Conservation Program ng ahensiya. (Dindo Matining)

The post Plantito, plantita `wag basta mangolekta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *