Pizza Hut nilooban, ₱204K tinangay

Target ngayon ng Marikina Police ang mga suspek na nanloob sa Pizza Hut matapos puwersahing buksan ang vault at makuha ang P204,000 nitong Lunes nang umaga sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

pizza hut nilooban e282b1204k tinangay - Pizza Hut nilooban, ₱204K tinangay
ABANTE Pizza Hut - Pizza Hut nilooban, ₱204K tinangay

Target ngayon ng Marikina Police ang mga suspek na nanloob sa Pizza Hut matapos puwersahing buksan ang vault at makuha ang P204,000 nitong Lunes nang umaga sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District, nagsampa ng reklamo si Rochelle Fernandez y Bersola, 38-anyos, restaurant manager ng Pizza Hut matapos na looban ang kanilang restaurant.

Natuklasan ang insidente bandang alas-6:15 Lunes nang mapansin ng crew na siyang magbubukas ng establisimyento na sira na ang roll-up door padlock at basag ang glass door kaya’t agad na tiningnan nito ang vault na nakitang puwersahang binuksan na ito.

Natuklasan na nawa­wala na ang kinitang P204,000.00 noong Sabado at Linggo maging ang kanilang petty cash ay nawawala na rin.

Kasalukuyang iniim­bestigahan ang CCTV footage upang malaman at mahuli ang suspek. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *