Pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan — Robredo

HINIKAYAT ni Vice President Leni Robredo ang pamunuan ng Phi­lippine Science High School (PSHS) na gumawa ng nararapat na hakbang at magdesisyon sa angkop na parusa para sa mga graduating student na sangkot sa pag-share sa Internet ng malaswang mga larawan ng ilang babaeng kaeskuwela.

The post Pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan — Robredo appeared first on Abante News Online.

pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan robredo - Pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan — Robredo
leni 11 - Pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan — Robredo

HINIKAYAT ni Vice President Leni Robredo ang pamunuan ng Phi­lippine Science High School (PSHS) na gumawa ng nararapat na hakbang at magdesisyon sa angkop na parusa para sa mga graduating student na sangkot sa pag-share sa Internet ng malaswang mga larawan ng ilang babaeng kaeskuwela.

Sinabi ni Robredo na makakawala lamang umano ang bansa sa kultura ng pang-aabuso kung maparurusahan ang mga lalaking estudyante na sangkot sa eskandalo.

Magsisimula umano ang pagbabago sa kultura ng hindi pagrespeto at pag-abuso sa kababaihan kung gagawa ng hakbang at papatawan ng parusa ang mga lumabag sa maling gawaing ito.

“Not making excuses for it, not attempting to justify it, but recogni­zing it for the injustice it is, and taking the ne­cessary steps to ensure it is not repeated again,” dagdag pa ni Robredo.

Kamakailan ay nagprotesta ang mga estudyante, magulang at guro kaugnay ng unang naging desisyon ng board of trustee ng PSHS na pinapayagang maka-graduate ang 14 na estudyante na sabit umano sa eskandalo.

Sa huli namang ulat, anim sa 14 na estudyan­te ay hindi na kabilang sa graduation ceremony.

Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, tatlo sa anim ay makatatanggap pa rin umano ng diploma habang ang tatlo ay makakakuha lamang ng certificate of completion kapag naisagawa na ang mga requirement na bahagi ng penalty.

The post Pisay boys na sabit sa photo scandal parusahan — Robredo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *