Pinyapel ng Pinoy bumida sa New York

NANALO ng D&AD Future Impact Awards for Environment and Sustainability ang Pinyapel, isang Pinoy na papel na gawa sa dahon ng pinya sa New York City.

pinyapel ng pinoy bumida sa new york - Pinyapel ng Pinoy bumida sa New York
ABANTE Pinyapel 1 - Pinyapel ng Pinoy bumida sa New York

NANALO ng D&AD Future Impact Awards for Environment and Sustainability ang Pinyapel, isang Pinoy na papel na gawa sa dahon ng pinya sa New York City.

Sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI), Design Center of the Philippines (DCP), at ni Lo­lita ‘Luchi’ Cabanlet ng Cagayan De Oro Handmade Paper ay na-deve­lop ang Pinyapel, isang locally-manu­factured specialty paper na nai-produce mula sa mga dahon ng pinya na kinuha sa isang pineapple plantation sa Bukidnon.

Inilarawan ng DTI Misamis Oriental ang Pinyapel bilang ‘future of packaging’.

Nabatid na ito ay water resistant at mainam na materyales para gawin na paper cup, paper bag at iba pang food container.

Ang DTI-DCP sa pakikipag-partner sa CDO Handmade Paper ay nakapaglunsad ng isang produkto mula sa isang basura na materyales na isang solusyon para malabanan ang lumalaking problema sa non-biodegradable plastic.

Nakipag-usap umano sila sa isang pineapple exporter mula sa Bukidnon na gamitin ang mga itatapon na dahon ng pinya para maging mga paper sheet gamit ang teknolohiyang idinevelop ng DCP.

Ang award ay ibibigay sa New York City, USA sa Nobyembre 6 sa isang gaganaping event na kumikilala sa mga bagong creative idea na uubrang magamit bilang tulong sa pagbabago sa mundo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *