Pinsan tinodas sa lamay

Pinsan tinodas sa lamay

Dahil sa espiritu ng alak, humantong sa kamatayan ng isang 42-anyos na lalaki ang pag-iinuman ng magkakamag-anak habang naglalamay sa burol ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa Kalayaan, Laguna, Huwebes ng madaling-araw.

pinsan tinodas sa lamay - Pinsan tinodas sa lamay
saksak 4 - Pinsan tinodas sa lamay

Dahil sa espiritu ng alak, humantong sa kamatayan ng isang 42-anyos na lalaki ang pag-iinuman ng magkakamag-anak habang naglalamay sa burol ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa Kalayaan, Laguna, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Kalayaan Police, nasawi ang biktimang si Randy Arroyo matapos na ito ay masaksak ng kanyang pinsan na si Erlito Laganas, 44.

Nagkaroon muna umano ng mainitang pagtatalo ang magpinsan sa kasagsagan ng inuman sa lamayan sa Sityo Kalayaan, Barangay San Antonio mag-aalas dos ng madaling-araw.

Upang hindi umano lumala ang sitwasyon, nagpasyang umuwi na lamang sa kanyang bahay ang suspek subalit sinundan ito ng biktima kaya humantong na sa suntukan ng dalawa ang pangyayari.

Naglabas pa umano ng ice pick ang biktima subalit naagaw naman ito ng suspek at naisaksak sa dibdib ng una.

Agad nasawi ang biktima samantalang sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide. (RONILO DAGOS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *