Pinsala ni Ulysses halos P13B na

Umakyat na sa P12.9 bilyon ang naitalang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura sa bansa.

The post Pinsala ni Ulysses halos P13B na first appeared on Abante.

pinsala ni ulysses halos p13b na - Pinsala ni Ulysses halos P13B na
wasak 1 - Pinsala ni Ulysses halos P13B na

Umakyat na sa P12.9 bilyon ang naitalang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura sa bansa.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na pinakita kaninang umaga, sinabing nagkakahalagang P8.69 bilyon ang nawasak sa imprastraktura habang P4.21 bilyon naman sa agrikultura.

Pinakanapinsala sa imprastraktura ang Cagayan Region sa P4.9 bilyon, sinundan ng Bicol sa P1.8 bilyon.

Gitnang Luzon naman ang pinakalubhang nawasak ang agrikultura sa halagang higit P1.3 bilyon, kasunod ang Cagayan sa P1.12 bilyon.

Samantala, matapos manalasa ni Ulysses sa iba’t ibang sulok ng Luzon noong nakaraang linggo, nawasak ang 88,713 tirahan.

Habang higit 3.8 milyong indibidwal ang apektado at hindi bababa sa 73 ang namatay matapos ang naturang bagyo. (SDC)

The post Pinsala ni Ulysses halos P13B na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *