Pinsala ng El Niño tumitindi

Kahit ‘di pa summer: Pinsala ng El Niño tumitindi

TINATAYANG aabot sa P101 mil­yon ang napinsala na taniman ng mais at palay dahil sa El Niño o tagtuyot sa lalawigan ng Isabela, ayon sa Provincial Government of Isabela (PGoI).

The post Pinsala ng El Niño tumitindi appeared first on Abante News Online.

pinsala ng el nino tumitindi - Pinsala ng El Niño tumitindi
el nino - Pinsala ng El Niño tumitindi

TINATAYANG aabot sa P101 mil­yon ang napinsala na taniman ng mais at palay dahil sa El Niño o tagtuyot sa lalawigan ng Isabela, ayon sa Provincial Government of Isabela (PGoI).

Sinabi ni PGoI agriculturist Dr. Angelo Naui na umabot sa P92 mil­yon na halaga ng mais at P9 milyong pananim na palay ang nawasak na dahil sa patuloy na na­raranasang tagtuyot.

Ayon kay Naui, batay sa kanilang datos mula March 8, 2019 ay may walong munisipa­lidad at isang lungsod sa Isabela kabilang ang bayan ng Tumauini, Sta. Maria, Benito Soliven, Echa­gue, San Mariano, Gamu, Burgos, San Agustin at Cauayan City ang nasira ang pananim na mais na umaabot sa 18,664 hectares kung saan ay 1,200 ang totally damaged at 17,300 ang partially damaged.

Apektado rin ang Sto. Tomas, Sta. Maria, Gamu, Naguillian, Echa­gue, Angadanan at Cauayan City na nasira ang mga taniman ng palay na umaabot sa 5,500 hectares.

Aniya, karamihan sa mga nasirang mga pananim ay umaasa lamang sa tubig-ulan.

Idinagdag pa ni Naui na nakahanda ang PGoI na magbigay ng tulong sa mga maliliit na magsasakang nasalanta ng El Niño sa pamamgitan gn BRO Paniguro sa Pananim Program ng lokal na pamahalaan.

The post Pinsala ng El Niño tumitindi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *