Pinoy wagi sa Hungary photo contest

Nakasungkit muli ng parangal ang photographer na si Jophel Ybiosa bilang unang Pinoy na nagwagi sa 2020 Budapest International Foto Awards (BIFA) sa Hungary.

The post Pinoy wagi sa Hungary photo contest first appeared on Abante.

pinoy wagi sa hungary photo contest - Pinoy wagi sa Hungary photo contest
abante mud festival - Pinoy wagi sa Hungary photo contest

Nakasungkit muli ng parangal ang photographer na si Jophel Ybiosa bilang unang Pinoy na nagwagi sa 2020 Budapest International Foto Awards (BIFA) sa Hungary.

Inanunsyo ang pagkapanalo ni Ybiosa sa Gold Award in the Events category para sa kanyang kuhang larawan na ‘The Mud People Festival In Nueva Ecija’, isang black and white image ng mga deboto ng Saint John the Baptist na kinuha noong 2018 sa Aliaga, Nueva Ecija.

Nito lang ding Nobyembre nanalo si Ybiosa sa parehong larawan ngunit colored version, bilang 1st place at Gold Star Award sa at Neutral Density Photography Awards.

Iba’t ibang parangal na rin mula sa iba pang internasyonal na kompetisyon ang inuwi ng Pinoy photographer tulad sa Asian Geographic, Moscow International Foto Awards, at International Photography Awards.

The post Pinoy wagi sa Hungary photo contest first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *