Pinoy titser bumida sa Thailand

ISANG Ilocano English teacher ang tatanggap ng pinakamataas na pagkilala sa Thailand sa darating na Disyembre 2 matapos magpakitang gilas sa kanyang pag-aaral sa graduate school.

pinoy titser bumida sa thailand - Pinoy titser bumida sa Thailand
ABANTE Juan Carlos Donato Antonio - Pinoy titser bumida sa Thailand

ISANG Ilocano English teacher ang tatanggap ng pinakamataas na pagkilala sa Thailand sa darating na Disyembre 2 matapos magpakitang gilas sa kanyang pag-aaral sa graduate school.

Ang English teacher ay kinilalang si Juan Carlos Donato Antonio, 26, ng Pagpartian, Vigan City na nag-aral sa Naresuan University sa Thailand na top university sa nasabing bansa.

Dahil subsob sa pag-aaral ay nakakuha si Antonio ng 95 points mula sa 100 points na grado sa thesis writing sa nasabing unibersidad.

Tatanggapin ni Antonio ang pinakamataas na distinction award mula kay Royal Highness Princess Maha Chakri.

Si Antonio ay dating nagturo ng English sa University of Northern Philippines (UNP)-Vigan City ng mahigit dalawang taon ngunit masuwerteng napunta sa Thailand para doon magturo ng English language.

Bukod sa pagtuturo ng English language sa Thailand, kumuha siya ng Master of Arts in English major in Applied Linguistics sa Naresuan University.

Aniya, kahit maganda ang magturo sa ibang bansa, gusto pa rin niyang magturo sa UNP-Vigan City para maibahagi sa kanyang kababayan ang natutunan niya sa Thailand.

Naging inspirasyon niya sa kanyang pag-aaral sa Thailand ang kanyang mga magulang na kahit hirap sa buhay ay naitaguyod pa rin ang kanyang edukasyon. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *