Pinoy tennis coach sa US, 250-taon kulong sa pagmanyak ng estudyante

MARTINEZ, CA – Hina­tulan ng 250-taon kulong ang isang Pinoy sa Bay Area California matapos mapatunayang minomolestya nito ang kanyang mga menor de edad na estudyante.

The post Pinoy tennis coach sa US, 250-taon kulong sa pagmanyak ng estudyante appeared first on Abante News Online.

pinoy tennis coach sa us 250 taon kulong sa pagmanyak ng estudyante - Pinoy tennis coach sa US, 250-taon kulong sa pagmanyak ng estudyante
kulong 1 - Pinoy tennis coach sa US, 250-taon kulong sa pagmanyak ng estudyante

By Dave Llavanes Jr.

MARTINEZ, CA – Hina­tulan ng 250-taon kulong ang isang Pinoy sa Bay Area California matapos mapatunayang minomolestya nito ang kanyang mga menor de edad na estudyante.

Convicted sa 60 kaso ng child molestation ang Pinoy tennis coach na si Normandie Santos Burgos, 56-taon gulang.

Napatunayan ng prosecutor sa harap ng mga hurado na ginamit ni Burgos ang kanyang awtoridad bilang tennis trainer para takutin at molestiyahin ang kanyang menor de edad na mga estudyanteng lalake.

Ayon sa demanda, ginamit umano ni Burgos ang kanyang pagiging tennis coach para hikayatin at takutin ang kanyang mga estudyante na makipagtalik sa kanya para makakuha ng college scholarship program sa pamamagitan ng kanyang rekomendasyon na isa sa mga requirement sa aplikasyon.

Kabilang sa mga ebidensyang iniharap ng US district court sa korte ang isang video kung saan puwersahang nakikipagtalik si Burgos sa kanyang estudyante.

Palusot ni Burgos, siya raw ang niyaya ng mga biktima na makipagtalik bagay na hindi pinaniwalaan ng korte.

Unang ng nasibak bilang high school tennis coach si Burgos dahil din sa kahalintulad na kaso noong 2006 pero napalaya ito matapos mabigo ang mga juror na maglabas ng verdict laban sa kanya.

Nakatakdang basehan ng sentensya si Burgos sa mga susunod araw.

The post Pinoy tennis coach sa US, 250-taon kulong sa pagmanyak ng estudyante appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *