Pinoy store sa Canada hinoldap

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang tatlong suspek na nangholdap sa isang grocery store na pag-aari ng Pilipino sa Edmonton City sa Alberta, Canada.

pinoy store sa canada hinoldap - Pinoy store sa Canada hinoldap
kabayan 1 - Pinoy store sa Canada hinoldap

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang tatlong suspek na nangholdap sa isang grocery store na pag-aari ng Pilipino sa Edmonton City sa Alberta, Canada.

Naglabas na umano ng mga litrato ng mga suspek ang Edmonton City Police, ayon sa CTV News report.

Tinangay lahat ng mga suspek ang pera mula sa store clerk sa Kabayan Filipino Store na matatagpuan sa strip mall sa 42 Avenue at 66 Street sa Mill Woods bandang alas-otso nang gabi noong Oktubre 15 saka mabilis na tumakas.

Isa sa suspek ang isinalarawan na may maitim na balat, nakasuot ng Adidas hoodie na may nakasulat na ‘Brothers Through Everything’ sa likuran. Nakasuot din ito ng Puma track pants na may blue stripe.

Kapwa lalaki rin ang dalawa pang suspek na maitim din umano at may East Indian accent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *