Pinoy photographer humakot ng 50 int’l award

Hindi maikakailang talagang mahusay ang mga Pilipino sa iba-ibang larangan, patunay nito ang pagkamit ng ating mga kababayan ng mga parangal mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na ang Pinoy photographer na humakot ng 50 award sa mga patimpalak na kanyang sinalihan.

The post Pinoy photographer humakot ng 50 int’l award first appeared on Abante.

pinoy photographer humakot ng 50 intl award - Pinoy photographer humakot ng 50 int’l award
abante Jophel Botero Ybiosa - Pinoy photographer humakot ng 50 int’l award

Hindi maikakailang talagang mahusay ang mga Pilipino sa iba-ibang larangan, patunay nito ang pagkamit ng ating mga kababayan ng mga parangal mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na ang Pinoy photographer na humakot ng 50 award sa mga patimpalak na kanyang sinalihan.

Pinatunayan ni Jophel Botero Ybiosa ang galing ng Pinoy nang sunod-sunod niyang masungkit ang mga award noong 2020 kahit pa may pandemya, kabilang ang 10 top award at iba na nakuha niya mula sa ikalawa at ikatlong puwesto, gayundin ang iba pang pagkilala.

Kabilang sa mga parangal na kanyang natanggap ay mula sa Hungary, United Kingdom, United States, at iba pa.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Ybiosa na “Patuloy ang adhikaing maipalaganap ang sining sa buong mundo at makapaghatid ng karangalan para sa Pilipinas!”

The post Pinoy photographer humakot ng 50 int’l award first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *