Pinoy nag-recycle ng basurang plastic para maging upuan

MARAMING eksperto ang nagsasabing hindi maaaring pagsamahin ang pitong uri ng plastic.

pinoy nag recycle ng basurang plastic para maging upuan - Pinoy nag-recycle ng basurang plastic para maging upuan
upuan - Pinoy nag-recycle ng basurang plastic para maging upuan

MARAMING eksperto ang nagsasabing hindi maaaring pagsamahin ang pitong uri ng plastic.

Pero kay Engineer Winchester Lemen, nagawa niya ito sa pag-recycle ng mga basurang plastic upang maging school chair at iba pang furniture.

Sa planta ng Win­der Recycling Co. sa Sasa, Davao City, pinoproseso dito ang 90 tonelada ng basurang plastic sa pamamagitan ng imbensyon ni Lemen — ang thermal heating technology.

Nagkaroon ng ideya sa recycling ng plastic si Lemen dahil sa nakikitang problema ng tambak na basurang plastic.

Sa ulat ng United Nations Environment Programme (UNEP), tinatayang 6,875 tonelada ng plastic trash ang tinatapon sa basurahan bawat araw.

Sa imbensyon ni Lemen, makakagawa ng isang school chair sa pagtipon ng 10,000 piraso ng balat ng kendi o kaya’y 300 bote ng mineral water.

Ang mga balat ng kendi, sachet at bote ng mineral water at softdrink ang karaniwang makikita sa mga basurahan araw-araw pero dahil sa imbensyon ni Lemen ay nare-recycle ito upang mapakinabangan ng maraming tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *