Pinoy dedbol sa California freeway shooting

MILPITAS CA – Isang Pinoy ang namatay matapos barilin habang nagmamaneho sa interstate 680 freeway sa California.

The post Pinoy dedbol sa California freeway shooting appeared first on Abante News Online.

pinoy dedbol sa california freeway shooting - Pinoy dedbol sa California freeway shooting
police 11 - Pinoy dedbol sa California freeway shooting

MILPITAS CA – Isang Pinoy ang namatay matapos barilin habang nagmamaneho sa interstate 680 freeway sa California.

Duguan at nakahandusay sa kanyang sasakyan ng datnan ng California Highway Patrol Group ang 30 –anyos na biktimang si Matthew Rios mula sa Milpitas California.

Tumanggap ng tawag ang highway patrol group pasado alas-10:00 nang gabi noong Lunes, Hunyo 17 kaugnay sa pamamaril sa biktima habang lulan ng kanyang kulay gray na Toyota Camry.

Batay sa report ng California Highway Patrol Group, galing sa trabaho ang biktima at binabaybay nito ang northbound ng I-680 freeway malapit sa Landless Avenue ng barilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ang pagkamatay ni Rios ang i­katlong freeway shooting incident ngayong linggo pero ayaw muna sabihin ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang talong insidente.

Sa tatlong insidente ng freeway shooting ang Pinoy na si Rios ang napuruhan.

Ayon sa ina ng biktima na si Madona Simmons na tubong Maynila, ikakasal na dapat ang kanyang anak sa kanyang kasintahan sa Maynila sa susunod na taon kaya ganun na lang ang kanyang pagdadalamhati sa sinapit ang anak.

Isang fund raising din ang ini-lunsad ng pamilya ni Rios para mangalop ng pondo para sa pagpapalibing sa kanyang anak. (Dave LLavanes Jr.)

The post Pinoy dedbol sa California freeway shooting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *