Pinoy bayaning namatay sa Canada

TINUTUTUKAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng bangkay ng isang Pinoy na nasawi matapos sagipin ang nalulunod na mga kaibigan nakaraang Biyernes (Agosto 23) sa Lake Snye ng Fort McMurray, Alberta, Canada.

pinoy bayaning namatay sa canada - Pinoy bayaning namatay sa Canada
DFA 1 - Pinoy bayaning namatay sa Canada

BALITANG ABROAD

TINUTUTUKAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng bangkay ng isang Pinoy na nasawi matapos sagipin ang nalulunod na mga kaibigan nakaraang Biyernes (Agosto 23) sa Lake Snye ng Fort McMurray, Alberta, Canada.

Ayon sa DFA pino­proseso na nila ito katuwang ang Philippine Consulate Gene­ral sa Calgary para maiuwi sa Pilipinas ang labi ng Pinoy.

Pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan ng biktima upang hindi mabig­la ang pamilya nito.

Ayon kay Consul General to Calgary Zaldy Patron, nasawi sa pagkalunod ang isang Pinoy matapos sagipin ang nalulunod na mga kaibigan na hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan.

Kinumpirma ni Consul General to Calgary Zaldy Patron na sa ngayon ay nakiki­pag-ugnayan na ang Consulate General sa mga Canadian authori­ty at sa pamilya ng biktima sa Pilipinas para sa repatriation ng labi nito.

Nagpahatid ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng biktima na nasa Pilipinas
Samantala, patuloy­ na minomonitor­ ng konsulado ang develop­ment ng kaso gayundin ang posibleng ayuda sa mga naulila.

Nangako rin ang konsulado na sisika­ping maiuwi sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon ang labi ng biktima.

(Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *