Piñol hindi bibitaw kung walang lilipatan

NAKASALALAY sa magiging desisyon ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief MinisterAl Haj Murad Ebrahim ang pag-upo ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority o MinDA.

The post Piñol hindi bibitaw kung walang lilipatan appeared first on Abante News Online.

pinol hindi bibitaw kung walang lilipatan - Piñol hindi bibitaw kung walang lilipatan
abante pinol - Piñol hindi bibitaw kung walang lilipatan

Ni: Aileen Taliping

NAKASALALAY sa magiging desisyon ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief MinisterAl Haj Murad Ebrahim ang pag-upo ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority o MinDA.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ito ang dahilan kaya inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes nang gabi na kakausapin niya muna si Murad bago iupo si Piñol.

Ayon kay Panelo, kailangang makuha muna ang pulso ng BARMM dahil mahalagang may kumpiyansa at tiwala ang mga ito sa opisyal na tutulong sa pagpapaangat sa Mindanao.

“Kausapin muna ng Presidente si Murad, kasi baka naman hindi pumayag, eh kung hindi pumayag, di hindi naman siya siyempre aalis,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na bahagyang bumagal ang mga isinusulong na mga programa sa Mindanao matapos pumanaw ang dating pinuno ng MinDA na si Datu Abul Khayr Dangcal Alonto.

Nagsumite na ng courtesy resignation si Piñol kay Pangulong Duterte noong Huwebes at hinihintay na lamang na magkausap ang Presidente at si Murad para magsimula ang kalihim sa bagong trabaho.

The post Piñol hindi bibitaw kung walang lilipatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *