Pinigilan sa pagtoma: Bunso pinaluwa sa saksak ang bituka ng kuya

LUMUWA ang bituka ng isang 46-anyos na lalaki na namatay nang dalawang beses saksakin ng kanyang nakababatang kapatid na pinigilan niya sa labis na pag-inom ng alak sa Barangay Baraka, Norzagaray, Bulacan nitong Hulyo 30.

pinigilan sa pagtoma bunso pinaluwa sa saksak ang bituka ng kuya - Pinigilan sa pagtoma: Bunso pinaluwa sa saksak ang bituka ng kuya
ABANTE tinarakan bully saksak - Pinigilan sa pagtoma: Bunso pinaluwa sa saksak ang bituka ng kuya

LUMUWA ang bituka ng isang 46-anyos na lalaki na namatay nang dalawang beses saksakin ng kanyang nakababatang kapatid na pinigilan niya sa labis na pag-inom ng alak sa Barangay Baraka, Norzagaray, Bulacan nitong Hulyo 30.

Ayon kay PCo. Chito Barsaluna, sising-awa ngayon ang suspek na si Edmundo Dador y Macalinao, 42, construction worker, at residente ng 2429 Lamesa, Brgy. Ugong, Valenzuela City nang mahimasmasan habang nakakulong sa Norzagaray Municipal Police Station.

Nabatid na pag-uwi sa kanilang barracks, nagalit ang biktimang si Domingo Dador y Macalinao, 46-anyos, may ka-live in partner, sa suspek na sa sobrang kalasingan ay naghahamon na ng away.

Tinangkang suntukin ni Domingo ang nakababatang si Edmundo na may dala palang patalim kaya sinaksak nang dalawang beses sa bituka ang biktima na namatay noon din. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *