Ping todo na sa pork war: Patay kung patay!

Martial Law sa Mindanao panakot lang — Ping

MATAPOS maglabasan ang mga black propaganda laban sa kanya, nanindigan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi siya titigil sa kampanya kontra pork barrel fund ng mga mambabatas.

ping todo na sa pork war patay kung patay - Ping todo na sa pork war: Patay kung patay!
ping lacson 1 - Ping todo na sa pork war: Patay kung patay!

MATAPOS maglabasan ang mga black propaganda laban sa kanya, nanindigan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi siya titigil sa kampanya kontra pork barrel fund ng mga mambabatas.

Sa kanyang tweet nitong Sabado, mariing sinabi ni Lacson na “all in” ito sa pagdepensa ng pera ng taumbayan atakihin man ito ng paulit-ulit nina Deputy House Speaker Luis Raymund Villafuerte Jr., Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, at iba pang miyembro ng Kamara.

Aniya, nakapagbigay ng lakas sa kanya ang ginawang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P95 bilyong insertion ng liderato ni dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa 2019 budget kaya’t tuloy ang krusada nito kontra pork barrel fund na gustong isiksik sa proposed 2020 national budget.

“Dep Spkr LRay Villafuerte, Party-list Rep Mike Defensor, and other House members can take turns in maligning me while defending their pork but I’m still going all in. Patay kung patay! The President’s P95B veto early this year is inspiring. It’s the people’s money after all,” ayon sa tweet ni Lacson.

Matatandaang isiniwalat ni Lacson na tinangka umano ng Kamara na maglaan ng P1.5 bilyon sa 22 deputies ni Speaker Alan Peter Cayetano, habang ang ibang miyembro ay magkakaroon ng P700 milyon bawat isa.

Hinala ni Lacson, mukhang organisado ang mga banat sa kanya ngayon dahil nagsasalit-salitan ang mga kongresista sa pagbira sa kanya.

“Posibleng ‘yan ang maging conclusion dahil parang organized eh. Pati sa social media may bumabanat. Pati sa mainstream. Tapos palit-palit nga, hindi lang isa, ‘di lang dalawa, nag-take turns na magbatikos. Isa lang ang nakikita kong strategy, paguran, namamagod. Kung sakaling bibigay, tuloy ang ligaya. Pero sanay na rin ako riyan. Sa tagal ko sa Senate maski mula pa noong 2002-2003 lalo na nang nag-privilege speech ako sa pork, puro batikos ang inaabot ko,” diin ni Lacson sa interview naman ni Cely Bueno sa DWIZ kahapon. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *