Ping may 3 testigo sa PhilHealth scam

Dalawang dati at isang kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) officials ang tetestigo sa imbestigasyon ng Senado sa alegasyon ng katiwalian sa ahensiya, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

ping may 3 testigo sa philhealth scam - Ping may 3 testigo sa PhilHealth scam
abante ping lacson 2 - Ping may 3 testigo sa PhilHealth scam

Dalawang dati at isang kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) officials ang tetestigo sa imbestigasyon ng Senado sa alegasyon ng katiwalian sa ahensiya, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ang mga tetestigo ay sina PhilHelath board member Alejandro Cabading, Estrobal Laborte na dating executive assistant ni PhilHealth chief Ricardo Morales at ang kare-resign lang na si dating anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith.

“Let’s not call them whistleblowers, sabihin na lang natin mga witnesses. Mga incumbent at recently resigned na mga PhilHealth officials,” pahayag ni Lacson sa virtual interview ng mga reporter.

“At least one of them nag-submit na ng affidavit sa COW (Committee of the Whole) sa Senate, and then they will testify kung ano alam nila, personal knowledge, pati knowledge nila sa dokumento,” sambit pa nito.

Ayon kay Lacson, tatlong isyu ang talakayin sa pagdining na isasagawa ng Commit of the Whole sa Martes ng umaga. Ito ay ang Interim Reimbursement Mechanism, ang manipulasyon ng financial statement ng PhilHealth at ang procurement ng ICT equipment na diumano’y overpriced.

“Tatlo ang major issues that will be tackled, primarily ang IRM, Interim Reimbursement Mechanism; tapos financial statement nila na na-manipulate; and third ang procurement, especially ICT equipment na may overpricing,” ani Lacson.

“Anyway I don’t want to preempt the testimonies tomorrow. Yun lang major issues na mata-tackle. “Itong tatlong witnesses, they have a lot to say about the anomalies in PhilHealth. Si Board member Cabading ito ‘yung naka-shouting match during the webinar,” saad pa nito.

Sabi ni Lacson, hindi required na dumalo ng pisikal ang mga resource person sa Senado pero maari naman silang mag-participate sa online.

Si Cabading ay hindi makalipad mula Zamboanga patungong Maynila matapos ilagay ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantinemula Agosto 4 hanggang 18.

Inaasahang dadalo naman sa virtual hearing si Cabading, sabi ni Lacson.

Ang mga inaasahang dadalo sa pagdinig ay sina PhilHealth chief Ricardo Morales, Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel De Jesus, at iba pang senior vice presidents ng ahensiya.

Nauna nang itinanggi ni Morales na walang nangyayaring katiwalian sa PhilHealth. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *