Ping kay Imee: Asa ka pa!

BINASAG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang trip ni Senator-elect Imee Marcos na si Senador Cynthia Villar ang maaaring pumalit sa puwesto ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

The post Ping kay Imee: Asa ka pa! appeared first on Abante News Online.

ping kay imee asa ka pa - Ping kay Imee: Asa ka pa!
abante Imee - Ping kay Imee: Asa ka pa!

BINASAG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang trip ni Senator-elect Imee Marcos na si Senador Cynthia Villar ang maaaring pumalit sa puwesto ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ayon kay Lacson, simple lang naman ang labanan ng liderato ng Senado, kung sino ang may suporta ng 13 senator ay maaaring maluklok na Senate President.

Kung walang sapat na bilang, binanggit ni Lacson na libre naman ang mangarap.

“It’s quite simple though, 13 out of 24 senators can install a Senate President. Anybody who has that number automatically becomes SP. If not, they can dream on. It’s for free,” saad ni Lacson.

Binanggit pa ng senador na wala pa siyang naririnig na may reklamo sa pamamalakad ni Sotto bilang Senate President.

“I have yet to hear a contrary opine about his leadership. Even the minority bloc supports his leadership,”dagdag pa niya.

Nauna rito, sinabi ni Marcos sa isang interview ng ANC kahapon na may mga nagtutulak kay Villar para maging lider ng Senado.

“I’ve heard, there’s some kind of move to push Sen. Cynthia,” wika ni Marcos.

Kapag nagkaroon na ng botohan, sinabi ng anak ng dating diktador na iboboto niya si Villar dahil kapartido niya ito sa Nacionalista Party. Ang iba pang miyembro ng partido ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senator-elect Pia Cayetano.

Nitong Miyerkoles ay binuking ni Sotto na kursunada ni Marcos ang makapangyarihang Committee on ways and means na hawak ngayon ni Senador Sonny Angara.

Ngunit sa interview kahapon, dinagdagan pa ito ni Marcos ng local government committee na hawak din ni Angara at ang social welfare committee.

The post Ping kay Imee: Asa ka pa! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *