Pinay wagi ng Nobel Prize sa Norway

Pinarangalan ang isang negosyanteng Pinay sa Norway kung saan nagwagi ito ng Business for Peace Award, o kilala rin sa bansag na ‘Nobel Prize of Business’.

The post Pinay wagi ng Nobel Prize sa Norway first appeared on Abante.

pinay wagi ng nobel prize sa norway - Pinay wagi ng Nobel Prize sa Norway
Felicitas Bautista Pantoja - Pinay wagi ng Nobel Prize sa Norway

Pinarangalan ang isang negosyanteng Pinay sa Norway kung saan nagwagi ito ng Business for Peace Award, o kilala rin sa bansag na ‘Nobel Prize of Business’.

Nasungkit ni Felicitas Bautista Pantoja ang naturang parangal bilang CEO at presidente ng Coffee for Peace, kung saan ginagamit ng Davaoena ang kanyang mga kape para makatulong sa kapayapaan sa mga conflict area sa Mindanao.

“When there’s coffee served, they sit down, they talk more and there’s less fighting – and there’s less death. So coffee can now serve as a vehicle for peace,” lahad ni Pantoja.

Ang mga mabibigyan ng naturang award ay pinipili ng award committee ng Nobel Laureates in Peace and Economics.

Bukod kay Pantoja, kasama ring tumanggap ng primyadong parangal ay sina Marc Benioff, CEO ng Salesforce, at James Mwangi, CEO naman para sa isang African banking group.

“I feel so happy receiving this award. It is a stamped mark of what we do and it is a great privilege to be awarded as a business that is making profit and that is promoting peace,” lahad pa ng Pinay.

The post Pinay wagi ng Nobel Prize sa Norway first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *