Pinay viral tweet nasa billboard ng NYC subway

SIKAT na ngayon ang isang Pinay matapos ipaskil sa subway ng New York City ang billboard tungkol sa kanyang tweet na may kalakip ng kanyang larawan habang nasa beach.

pinay viral tweet nasa billboard ng nyc subway - Pinay viral tweet nasa billboard ng NYC subway
abante mo 6 - Pinay viral tweet nasa billboard ng NYC subway

SIKAT na ngayon ang isang Pinay matapos ipaskil sa subway ng New York City ang billboard tungkol sa kanyang tweet na may kalakip ng kanyang larawan habang nasa beach.

Nagulat pa si Tiffany Candelaria nang ipagbigay-alam sa kanya ng Twitter na gagamitin nila ang viral tweet ng Pinay bilang bahagi ng kanilang promotional campaign.

“What’s happening, @Twitter sino nasa states someone track down my billboard Imao,” saad ni Tiffany.

Makikita sa tweet ni Tiffany ang beach photo niya sa Instagram vs Twitter.
“My tweet made it to NYC, eh ako kailan kaya,” tweet pa niya.

Nagbiro pa ito sa kanyang mga kaibigan na kunan ng larawan ang billboard kapag nagawi sila sa subway. Ang billboard ay nakapaskil sa 53rd Avenue sa 5th subway sa New York City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *