Pinay transwoman naglaho sa Texas

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng isang 59-anyos na transgender woman para matagpuan ito, na huling narinig sa Dallas Fort Worth, Texas International Airport noong Setyembre 14.

pinay transwoman naglaho sa texas - Pinay transwoman naglaho sa Texas
dallas 2 - Pinay transwoman naglaho sa Texas

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng isang 59-anyos na transgender woman para matagpuan ito, na huling narinig sa Dallas Fort Worth, Texas International Airport noong Setyembre 14.

Kinilala ang transwoman na si Pauline/Paula del Mundo na Paulino Norberto del Mundo Jr. ang tunay na pangalan, isang naturalized American citizen pero may lahing Pilipino.

Mayroon umano itong mahabang buhok na kulay brown at brown din ang mga mata, may taas siyang 5’6”, katamtaman ang pangangatawan at sa Tampa, Florida nakatira.

Magtutungo sana ito sa Mexico at sa Iberostar Hotel sa Cozumel, Me­xico ito mag-stay pero sinabi ng mga opisyal ng hotel na hindi pa nakakarating sa kanila si Del Mundo.

Nakatawag pa umano si Del Mundo sa kanyang kapatid sa California bago mag-alas-sais nang gabi (oras sa Dallas) noong Setyembre 14 na humihingi ng tulong para makakuha ng tiket pabalik ng Tampa dahil nagbago na ang isip nito at hindi na tutuloy sa Cozumel.

(IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *