Pinay singer nangabog sa Broadway

Pasok ang isang Pilipina sa finale ng pangalawang season ng Broadway’s Next on Stage, isang online musical theatre singing competition para sa mga student performer.

The post Pinay singer nangabog sa Broadway first appeared on Abante.

pinay singer nangabog sa broadway - Pinay singer nangabog sa Broadway
abante pinay 1 - Pinay singer nangabog sa Broadway

Pasok ang isang Pilipina sa finale ng pangalawang season ng Broadway’s Next on Stage, isang online musical theatre singing competition para sa mga student performer.

Masayang binalita ni Jenelle Catherina sa Reddit na isa siya sa college top three na aarangkada sa finale ng nasabing timpalak, na sponsored ng Broadway Records.

“Kapamilya!!! You helped me get to the finale!!! Maraming salamat po from the bottom of my heart,” aniya kahapon sa Reddit, kalakip ang umiiyak at pusong emoji.

“I will FOREVER be grateful to my kababayan for the love and support on this journey! Voting for the final will open this Mon until Thurs, let’s take this win home together!,” aniya pa.

Bukod kay Catherina, pasok din sa college top 3 ng Next on Stage sina Taylor Rose Mickens at Tommy Kaiser. Pinili sila ng mga Broadway star judge na sina Courtney Reed, Lesli Margherita, at Telly Leung.

Ang Season 2 finale ng nasabing timpalak ay mangyayari sa Nobyembre 13. (SDC)

The post Pinay singer nangabog sa Broadway first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *