Pinay scammer timbog sa California

PITTSBURG CALIFORNIA — Matapos ang ilang buwang imbestigasyon ng Pittsburg Police, inaresto ng mga awtoridad ang 74-anyos na Pinay na si Teresita Del Rosario, may-ari ng Best Heaven Realty and Mortgage na nag-aalok ng iba’t ibang services tulad ng tax preparation at notary service.

The post Pinay scammer timbog sa California appeared first on Abante News Online.

pinay scammer timbog sa california - Pinay scammer timbog sa California
scam 2 - Pinay scammer timbog sa California

PITTSBURG CALIFORNIA — Matapos ang ilang buwang imbestigasyon ng Pittsburg Police, inaresto ng mga awtoridad ang 74-anyos na Pinay na si Teresita Del Rosario, may-ari ng Best Heaven Realty and Mortgage na nag-aalok ng iba’t ibang services tulad ng tax preparation at notary service.

Batay sa imbestigasyon, sa pamamagitan ng ‘Advance Fee Scheme’ o ‘Nigerian scam’ ay nagogoyo ni Del Rosario ang kanyang mga biktima na pawang mga retiradong emple­yado sa Pittsburg, California.

Gamit ang pangalan ng kanyang negosyo ay hinikayat daw ni Del Rosario ang kanyang mga biktima na mag-invest kapalit ang malaking tubo.

Pinapaniwala umano ni Del Rosario ang kanyang mga biktima na mayroon siyang $2.8 milyon sa isang offshore account sa Pilipinas at kailangan niya ang pera para mabayaran ang mga tax at fee para makuha ang pera sa Pilipinas.

Ipinakita pa raw ni Del Rosario ang mga pekeng dokumento at online records para kumbinsihin ang kanyang mga biktima na magbigay ng pera.

Ipinangako raw ni Del Rosario na dodoblehin ang $12 libong dolyar na ibibigay ng kanyang biktima sa loob ng isang linggo.

Isang search warrant ang inilabas sa lahat ng bank account ni Del Rosario para tuntunin ang perang nakulimbat nito at natuklasan na ipinapasok ni Del Rosario ang mga nakuhang pera sa kanyang mga biktima sa isang pangalan para makaiwas sa imbestigasyon.

Sangkatutak na kasong grand theft at elder abuse ang kakaharapin ng Pinay. (Dave Llavanes Jr.)

The post Pinay scammer timbog sa California appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *