Pinay painter bumida sa Italya

Pinarangalan ang Pinay digital painter na si Rebie Ramoso bilang natatanging Pilipino na nakasama sa Italian Atlas of Contemporary Art – isang art book para sa mga natatanging artist.

pinay painter bumida sa italya - Pinay painter bumida sa Italya
abante painter - Pinay painter bumida sa Italya

Pinarangalan ang Pinay digital painter na si Rebie Ramoso bilang natatanging Pilipino na nakasama sa Italian Atlas of Contemporary Art – isang art book para sa mga natatanging artist.

“I am honored to be one of two Asians, and the only Filipino featured in the atlas. This is a strong reminder of who I really am and what I want to share with the world,” ayon sa Facebook post ni Ramoso.

Si Ramoso ay nag-aral ng painting sa University of the Philippines-Diliman, at nagtapos naman bilang cum laude sa Ateneo kung saan kumuha siya ng kursong Psychology.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakilala si Ramoso abroad, kung saan ilan sa kanyang mga gawa ay na-feature na rin sa ilang international art exhibition tulad ng ‘The Long Forgetting’, ‘How I Forget You’, at kanyang solo exhibition na ‘The Stories That Write Us’ na binida sa Rome, Italy.

Miyembro din ng Kababaihan sa Sining at Bagong Sibol na Kamalayan at Art Ventures and Advocacy Network si Ramoso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *