Pinay nurse ginawaran ng British Empire Medal

Kinilala ang serbisyo ng isang Pinay nurse sa United Kingdom nang parangalan ng British Empire Medal sa New Year’s honors.

The post Pinay nurse ginawaran ng British Empire Medal first appeared on Abante.

pinay nurse ginawaran ng british empire medal - Pinay nurse ginawaran ng British Empire Medal
Charito Romano - Pinay nurse ginawaran ng British Empire Medal

Kinilala ang serbisyo ng isang Pinay nurse sa United Kingdom nang parangalan ng British Empire Medal sa New Year’s honors.

Nagsilbi si staff nurse Charito Romano sa Arbrook House Care Home sa Esher, Surrey, England.

Kinupirma ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce ang parangal sa Pinay.

“Many congratulations to Staff Nurse Charito Romano, from the [Philippines], awarded a British Empire Medal in the #NewYearsHonours for her outstanding work at Arbrook House Care Home in the UK during the #Covid19 pandemic,” saad sa kanyang tweet.

Ang parangal na British Empire Medal ay iginagawad sa mga nasa civil o military service na nararapat bigyan ng pagkilala.

Binigay ito kay Romano dahil sa kanyang natatanging paglilingkod sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Vienne Angeles)

The post Pinay nurse ginawaran ng British Empire Medal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *