Pinay nahulog sa UAE building, dedo

Nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang Pinay sa United Arab Emirates na umano’y tumalon mula sa ika-anim na palapag ng gusali sa Al Majarah, Sharjah.

The post Pinay nahulog sa UAE building, dedo first appeared on Abante.

pinay nahulog sa uae building dedo - Pinay nahulog sa UAE building, dedo
patay 2 - Pinay nahulog sa UAE building, dedo

Nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang Pinay sa United Arab Emirates na umano’y tumalon mula sa ika-anim na palapag ng gusali sa Al Majarah, Sharjah.

Nabatid sa ulat na nasawi ang Pinay noong Oktubre 25, makaraang takas an umano ang mga pulis na humabol sa kanya.

Ayon naman kay Consul General Paul Raymund Cortes, pinuno ng Philippine mission sa nasabing lugar, sa isang panayam, na nakikipag-usap na ito sa pamilya ng nasawing Pinay para sa pag-uwi ng mga labi nito.

Batay sa ulat, nasa loob ng apartment sa nasabing gusali ang Pilipina kasama ang lalaking Iraqi nang salakayin ng pulisya. Naaresto ang lalaki habang tumalon naman sa balkonahe ang babae. Isang buwan na umanong nananatili dito ang dalawa nang hindi nalalaam ng management, pero may nagsumbong sa kanila sa may-ari hanggang sa ginawa ang raid.

The post Pinay nahulog sa UAE building, dedo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *