Pinay na inararo ng SUV sa Canada, pumanaw na

Matapos ang dalawang araw sa intensive care unit namatay din ang isang Pinay immigrant na inararo ng isang SUV sa Canada.

pinay na inararo ng suv sa canada pumanaw na - Pinay na inararo ng SUV sa Canada, pumanaw na
dead 2 - Pinay na inararo ng SUV sa Canada, pumanaw na

Matapos ang dalawang araw sa intensive care unit namatay din ang isang Pinay immigrant na inararo ng isang SUV sa Canada.

Papasok na ng trabaho sa isang coffee shop ang biktimang si Jillian Lammatao, 24-anyos, nang masagasaan ito ng humaharurot na sasakyan habang tumatawid sa crosswalk ng Sargent Avenue sa Winnipeg.

Nakunan ng security came­ra ang pangyayari kung saan makikitang tumilapon ang biktima ng ilang metro bago ito bumagsak sa bangketa, habang ilang metro pa ang itinakbo ng SUV bago ito huminto.

Agad na inaresto ng mga pulis 89-taong gulang na lolo na siyang nagmamaneho ng sasakayan

Hindi na muna pinangala­nan ng mga pulis ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Isang araw bago ang insidente ipagdiriwang sana ni Jillian ang kanyang ika-24 na kaarawan.

Estudyante ng Adamson University at mula sa Las Piñas City, magtatatlong taon pa lang sa Canada ang biktima at nakatakda sanang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa susunod na taon.

Nakatakda namang magtungo sa Canada ang ama ng biktima para pag-usapan kung ibabalik ng Pilipinas ang mga labi ni Jillian. (Dave Llavanes Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *