Pinay jin sumipa ng ginto sa world martial arts

NASUNGKIT ni Pinay jin Jenna Kaila Napolis ang ginto sa 2019 World Martial Arts Mastership Games na ginanap sa Chungju, South Korea.

pinay jin sumipa ng ginto sa world martial arts - Pinay jin sumipa ng ginto sa world martial arts
ABANTE world martial arts - Pinay jin sumipa ng ginto sa world martial arts

NASUNGKIT ni Pinay jin Jenna Kaila Napolis ang ginto sa 2019 World Martial Arts Mastership Games na ginanap sa Chungju, South Korea.

Nakuha ni Napolis ang medalya sa Adults Jiu-Jitsu Female-52kg division, hinigitan ang nasa pitong iba pang taekwondo jin na pambato mula Kazakhstan, United Arab Emirates at Korea.

Ito ang kauna-unahang ginto na naiuwi ng Pilipinas sa binansagang ‘Martial Arts Olympics’ kung saan nasa 2,400 atleta mula sa 106 bansa ang nag-agawan sa 271 gintong medalya sa 20 category sa martial arts kasama ang belt wrestling, judo, horseback archery at taekwondo.

Sumali ang Pilipinas sa nasabing torneo bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Bago ang ginto sa 2019 World Martial Arts Mastership Games ay nagwagi na rin ang iba pang Pinoy martial artist sa Ju-Jitsu Open Grand Prix sa Thailand, Muaythai Championships sa Hong Kong, at sa Sambo Championships na ginanap naman sa Indonesia. (RP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *