Pinay DH sa HK wagi vs child abuse

Inutos ng Kataas-taasang Hukuman sa Hong Kong na buksan at muling liisin ang kaso ng isang Pinay domestic helper na sinibak sa trabaho matapos akusahan ng kanyang amo ng pang-aabusong sekswal sa kanyang pitong taong gulang na anak na babae noong 2016.

The post Pinay DH sa HK wagi vs child abuse first appeared on Abante.

pinay dh sa hk wagi vs child abuse - Pinay DH sa HK wagi vs child abuse
abante hammer - Pinay DH sa HK wagi vs child abuse

Inutos ng Kataas-taasang Hukuman sa Hong Kong na buksan at muling liisin ang kaso ng isang Pinay domestic helper na sinibak sa trabaho matapos akusahan ng kanyang amo ng pang-aabusong sekswal sa kanyang pitong taong gulang na anak na babae noong 2016.

Dahil dito, may posibilidad pa umanong makuha ng Pinay na si Mallorca Domingo ang claim na HK$85,900 o katumbas para sa kanyang sweldo, annual leave pay at danyos para sa pagsuway ng kanyang amo sa kontrata na unang ibinasura ng Labor Tribunal.

Noong nakaraang taon, pinaboran ng Labor Tribunal ang petisyon ng nagreklamong si Ng Mei-shuen para sibakin si Domingo noong Oktubre 22, 2016 dahil sa pang-aabuso at ilang ulit na pananakit umano sa kanyang anak habang pinaliliguan ito sa magkakaibang pagkakataon.

Gayunman, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang nasabing desisyon dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.(Mia Billones)

The post Pinay DH sa HK wagi vs child abuse first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *