Pinay chef binida ng Hollywood actress

Isang Filipina ang tagaluto ni Hollywood actress Drew Barrymore.

The post Pinay chef binida ng Hollywood actress first appeared on Abante.

pinay chef binida ng hollywood actress - Pinay chef binida ng Hollywood actress
pinay - Pinay chef binida ng Hollywood actress

Isang Filipina ang tagaluto ni Hollywood actress Drew Barrymore.

Sa kanyang “The Drew Barrymore Show” na ipinalabas noong October 20, 2020, pinamalas ng New York-based Filipina chef na si Pilar Valdes ang talento niya sa pagluluto ng mga masasarap at healthy na pagkain.

Ayon sa “50 First Dates” star, may tatlong taon na niyang kasangga sa kusina si Chef Valdes, na catering company owner din ng “Kickshaw Cookery”.

Hindi lang daw isang “dear friend” si Valdes kundi isa ring “incredibly talented chef”.

Niluto ni Chef Valdes sa show ang isang vegan dish with creamy quinoa risotto.

Sa show, panay ang papuri ni Barrymore kay Valdes kung saan ito raw ang tumutulong sa kanya kapag nagki-crave siya sa pagkain habang mina-maintain ang kanyang healthy diet.

“With Pilar, we figured out how to make all these craving dishes but in a way that’s really healthy and great for digestion and keeps the weight off. I’ve been doing now for a long time with you [Pilar] and I’m happy!” sambit pa ng “Charlie’s Angels” actress.(IS)

The post Pinay chef binida ng Hollywood actress first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *