Pinauwing Pinoy galing abroad 174K na

Ngayong linggo, na-repatriate ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 9,671 overseas Filipinos (OF) mula sa iba’t ibang rehiyon sa mundo.

The post Pinauwing Pinoy galing abroad 174K na first appeared on Abante.

pinauwing pinoy galing abroad 174k na - Pinauwing Pinoy galing abroad 174K na
DFA - Pinauwing Pinoy galing abroad 174K na

Ngayong linggo, na-repatriate ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 9,671 overseas Filipinos (OF) mula sa iba’t ibang rehiyon sa mundo.

Dahil dito, 174,039 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na napabalik sa Pilipinas mula nang ikasa ng DFA ang COVID-19 repatriation efforts nito noong Pebrero 2020. Sa nasabing bilang, 61,716 OF o 35.46 percent ang sea-based habang 112,323 o 64.54 percent ang land-based.

“The DFA remains relentless in facilitating more flights, particularly from the Middle East. This week, the DFA brought home more than 7,500 of our nationals from the said region via 27 special commercial repatriation flights,” ayon sa pahayag ng DFA.

Sa nasabing mga repatriation flight, 11 ang mula UAE, pito mula Saudi Arabia, apat mula Qatar, tatlo ang galing sa Bahrain, at tig-isa mula sa Kuwait at Oman. Samantala, patuloy din ang pagpapauwi sa mga Filipino seafarer mula sa iba’t ibang panig ng mundo. (SDC)

The post Pinauwing Pinoy galing abroad 174K na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *