Pinauwi sa inuman nanaksak

NASA malubhang ka­lagayan ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman na nabuwisit nang sabihan nito na umuwi na dala nang labis na kalasingan kahapon nang madaling-araw sa Malabon City.

The post Pinauwi sa inuman nanaksak appeared first on Abante News Online.

pinauwi sa inuman nanaksak - Pinauwi sa inuman nanaksak
knife 2 - Pinauwi sa inuman nanaksak

NASA malubhang ka­lagayan ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman na nabuwisit nang sabihan nito na umuwi na dala nang labis na kalasingan kahapon nang madaling-araw sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si John Renz, 22-an­yos, naninirahan sa No. 22 Perez Street, Barangay Tonsuya ng lungsod, sanhi ng saksak sa kaliwang leeg at kanang balikat.

Blangko naman ng mga pulis kung sino ang sumaksak sa suspek na si Redenze Manaclang, 24, kalugar ng biktima, na nadakip sa follow-up operation sa kanilang lugar, isang oras matapos ang pananaksak.

May saksak din ito sa dibdib at likurang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa kahabaan ng Perez St., Barangay Tonsuya, Malabon City, bandang alas-dos nang madaling araw.
Sinabihan umano ni Renz si Manaclang na umuwi na sapagkat la­sing na ito kung saan naglakad na ring pauwi ang una.

Umihi sa gilid ng pader ang biktima su­balit bigla na lang siyang pinagsasaksak ng suspek at saka tumakas dala ang patalim na ginamit.

Nalaman ni Ryan Revecencio, pinsan ng biktima, na sinaksak ang kaanak, kaya daglian niya itong dinala sa nasabing pagamutan.

Natuklasan din ng iba pang kamag-anak ni Renz ang pinagtataguan ni Manaclang, kaya humingi ang mga ito ng tulong sa Police Community Precinct (PCP) 8.

Laking gulat ng mga parak nang makitang duguan din ang suspek sanhi ng mga saksak, pero kahit ang huli ay hindi kilala kung sino ang sumaksak sa kanya.

Dinala sa Jose Reyes Memorial Hospital si Manaclang ngunit nahaharap siya kasong frustrated murder. (Orlan Linde)

The post Pinauwi sa inuman nanaksak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *