‘Pinas Top 5 sa daily new death sa COVID

Pasok sa Top 5 ang Pilipinas sa may pinakamaraming naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng isang araw sa buong mundo.

The post ‘Pinas Top 5 sa daily new death sa COVID first appeared on Abante.

pinas top 5 sa daily new death sa covid - ‘Pinas Top 5 sa daily new death sa COVID
ph 1 - ‘Pinas Top 5 sa daily new death sa COVID

Pasok sa Top 5 ang Pilipinas sa may pinakamaraming naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng isang araw sa buong mundo.

Matatandaang biglang sumirit kamakalawa ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus sa bansa matapos maitala ang 259 COVID-related death.

Dahilan ng Department of Health, ang 253 sa mga namatay ay unang naisama sa mga gumaling ngunit yumao pala ang mga ito. Nakita umano ang discrepancy sa ginawang validation process ng kagawaran.

Sa listahan ng Worldometer, Setyembre 15, panlima ang Pilipinas sa may pinakamataas na new deaths worldwide.

Una ang India sa 1,054; kasunod ang Amerika at Brazil na may tig-454, at Argentina sa 315. (Shernielyn dela Cruz)

The post ‘Pinas Top 5 sa daily new death sa COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *