‘Pinas tinalo ng Cambodia, Vietnam

ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda ang mga panukalang batas na magpapaluwag sa pagpasok ng mga fo­reign direct investment (FDI) sa Pilipinas upang makasabay ito sa pag-unlad ng mga karatig bansa sa Asya.

pinas tinalo ng cambodia vietnam - ‘Pinas tinalo ng Cambodia, Vietnam
salceda 8 - ‘Pinas tinalo ng Cambodia, Vietnam

ISINUSULONG ni Albay Rep. Joey Salceda ang mga panukalang batas na magpapaluwag sa pagpasok ng mga fo­reign direct investment (FDI) sa Pilipinas upang makasabay ito sa pag-unlad ng mga karatig bansa sa Asya.

Gayundin ay lumikha ng makabuluhang mga trabaho, at lalong mapalobo ang gross domestic product ng bansa.

Sa pagsusuri ng Organization for Economic Co-operation and Development, ang Pilipinas ang may pinakamahigpit na mga batas na sumasakal sa pagdaloy ng FDI sa bansa sa 10 kasapi ng ASEAN, at pang-35 sa maraming iba pang bansa noong 2018.

Ayon kay Salceda, chairman ng House ways and means committee, nagtala ng pinakamalaking FDI ang bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa ilang mga repormang naisabatas at sa programang Build, Build, Build ngunit napag-iiwanan pa rin ng Cambodia at Vietnam dahil sa sobrang higpit na mga batas.

Tatlong panukalang batas ni Salceda ang nakahain ngayon sa Kamara na nagsusulong ng amyenda sa Public Service Act (HB 78) at Foreign Investments Act (HB 1221) na siya mismo ang may-akda, at Retail Trade Liberalization Act na magpapabilis ng pagpasok ng FDI sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *