‘Pinas pipilayin sa tigil-pasada

abante-tonite-jeepney

ILULUNSAD ngayon ng iba’t ibang transport group ang tigil-pasada bilang protesta sa implementasyon ng jeepney modernization program.

pinas pipilayin sa tigil pasada - ‘Pinas pipilayin sa tigil-pasada
abante tonite jeepney - ‘Pinas pipilayin sa tigil-pasada

ILULUNSAD ngayon ng iba’t ibang transport group ang tigil-pasada bilang protesta sa implementasyon ng jeepney modernization program.

Target ng namumunong grupong Alliance of Concerned Transport Organizations na maparalisa ang 90% ng transportasyon sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay ACTO President Efren de Luna, hangad nilang mapapayag ang gobyerno sa hinihingi nilang suspensyon sa implementasyon ng PUV Modernization Program.

Marami umano sa mga driver ang hindi makakabili ng bagong jeepney dahil nagkakahalaga ito ngayon ng P2.5 milyon.

“Ang totoo, ire-refer ka [ng gobyerno] sa Landbank pero after ka ma-refer, iiwan ka na doon wala na silang pakialam sayo… Nasa P2.5 million each, sinong magpapautang na bangko na ganyan? Suntok sa buwan ito,” ayon kay de Luna.

Sanhi ng ilulunsad na transport strike, pinasya ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na suspendihin ang pasok sa lahat ng kolehiyo at graduate school sa Maynila, private at public.

Gayunman, sinabi ni Moreno na may pasok naman sa lahat ng preschool to senior high school, private at public, dahil karamihan sa mga mag-aaral dito ay nakatira malapit lamang sa mga paaralan.

Sinuspinde rin ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang klase sa lahat ng antas, mapa-pribado man o publikong paaralan.

Nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas ang lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, Marikina, Pasig at San Juan.

Sa Quezon City, suspendido ang klase sa e­lementary at high school.
Sa lalawigan ng Laguna, walang pasok sa lahat ng antas sa Sta. Cruz, San Pablo City, Rizal, Majayjay at Los Baños. Suspendido rin ang klase sa lahat ng level sa Tiaong, Quezon. Ganito rin ang sitwasyon sa Angeles City at buong lalawigan ng Pampanga.

Sa Visayas, suspendi­do ang klase sa lahat ng antas sa Iloilo City, Bacolod City at sa siyudad ng Bago at Talisay sa Negros Occidental.
Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar na naka-monitor ang kanilang hanay sa isasagawang transport strike ngayon.

May direktiba sa lahat ng police district na ihanda ang mga truck at sasakyan ng mga pulis sakaling kailanganin ng mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.

Muli namang nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makakansela ang prangkisa ng mga jeep na lalahok sa tigil-pasa­da. ­(Juliet de Loza-Cudia/­Dolly ­Cabreza/Vick ­Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *