‘Pinas pinakapatok na diving area

Nasungkit ng Pilipinas ang award bilang Best Overseas Diving Area sa ginanap na Marine Diving Awards 2020 sa Ikebukuro, Tokyo, Japan.

The post ‘Pinas pinakapatok na diving area first appeared on Abante.

pinas pinakapatok na diving area - ‘Pinas pinakapatok na diving area
Diving - ‘Pinas pinakapatok na diving area

Nasungkit ng Pilipinas ang award bilang Best Overseas Diving Area sa ginanap na Marine Diving Awards 2020 sa Ikebukuro, Tokyo, Japan.

Nag-No. 1 sa kauna-unahang pagkakataon ang bansa sa Overseas Diving Category matapos makakuha ng 814 boto sa kabuuang 3,572 total vote ng mga subscriber ng Marine Diving Magazine.

Isinalarawan ng magazine ang Pilipinas bilang “first pick for many diving lovers.”

“This award is a testimony that diving is more fun in the Philippines, with each underwater paradise offering a unique adventure and experience to behold, and return to. Our underwater landscape is a colorful kaleidoscope of nature’s living jewels, one that divers cannot find anywhere else,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Kabilang sa binanggit ng Marine Diving Magazine ang mga diving site sa Cebu, Bohol, Moalboal at Busuanga na hitik sa mga whale shark, snapper, dugong at iba pang malalaking isda.

Ilan sa mga sikat na diving site sa bansa ang Malapascua sa Cebu Island, Anilao sa Batangas, Puerto Galera sa Oriental Mindoro, Donsol sa Sorsogon at Dauin sa Negros Oriental. (Issa Santiago)

The post ‘Pinas pinakapatok na diving area first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *