‘Pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat

NASA ikatlong puwesto ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming plastik na basura na inanod at nagbibigay ng polusyon sa karagatan.

The post ‘Pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat appeared first on Abante News Online.

pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat - ‘Pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat
basura 3 - ‘Pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat

NASA ikatlong puwesto ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming plastik na basura na inanod at nagbibigay ng polusyon sa karagatan.

Ito ang lumabas sa survey isinagawa ng Wall Street Journal base sa metriko tonelada ng basura na nakuha sa 12 bansa.

Nanguna umano sa mga bansa na nagbigay ng pinakamaraming polusyon sa karagatan ay ang China at pumangalawa naman ang Indonesia.

Habang pumang apat naman ang Vietnam, sinundan ng Sri Lanka, Egypt, Thailand, Malaysia, Nigeria, Bangladesh, Brazil at Uni­ted States.

Ang mga basurang plastik na nakuha sa karagatan ng China ay umabot umano sa 3.53 milyon metrikong tonelada.

Habang sa Indonesia ay 1.29 milyon metrikong tonelada at Pilipinas 750,000 metriko toneladang basura. (Juliet de Loza-Cudia)

The post ‘Pinas pangatlong pinakamaraming basura sa dagat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *