‘Pinas katulad na ng Mexico — Digong

Lahat ng auditor may katok — Duterte

HINDI malayong matulad sa Mexico ang Pilipinas dahil sa malalang problema sa iligal na droga.

The post ‘Pinas katulad na ng Mexico — Digong appeared first on Abante News Online.

pinas katulad na ng mexico digong - ‘Pinas katulad na ng Mexico — Digong
duterte 37 - ‘Pinas katulad na ng Mexico — Digong

HINDI malayong matulad sa Mexico ang Pilipinas dahil sa malalang problema sa iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap na rin ng bilyon-bilyong halaga ng shabu at coccaine na nasabat ng mga awtoridad, partikular ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakalipas na mga araw.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro City Linggo nang gabi, sinabi ng Pangulo na walang ibang nasa headlines ng mga balita kundi bilyon-bilyong halaga ng iligal na droga na nakakapuslit papasok ng bansa.

Kapag hindi aniya naagapan ang paglala ng iligal na droga ay makokontrol ng drug cartel ang bansa tulad ng Mexico dahil nakapasok na sa bansa ang Sinaloa drug syndicate na isa sa mga notorius drug syndicate sa mundo.

“Now you can see the headlines—everyday billions worth of drugs are entering the country. Look at the main screen and the crawler, the running news at the bottom. It’s always about drugs, drugs, and drugs. Son of a…
In the end, we will be like Mexico. We will be controlled by drug cartels.

The Sinaloa has already entered the country and that is why drugs are being thrown in the Pacific. The same is happening in the West,” anang Pangulo.

Sa ginawang pagtaya ng Presidente, tinatayang nasa P1.2 bilyon kada taon ang napupunta sa paggamit ng shabu kung susumahin ang dalawang daang pisong arawang gastos sa shabu ng may 1.6 million na drug addicts sa bansa.

Ang ganito kalaking halaga ayon sa Pangulo ay malaking bagay kung nagamit sa matrikula, pagkain o pangangailangan ng pamilya ng isang lulong sa iligal na droga. (Aileen Taliping)

The post ‘Pinas katulad na ng Mexico — Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *