‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin

‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin

MANANATILI ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kahit na inaprubahan nila ang resolusyon ng Iceland para maim­bestigahan ang drug war ng gobyerno, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

The post ‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin appeared first on Abante News Online.

pinas hindi kakalas sa unhrc locsin - ‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin
locsin 8 - ‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin

MANANATILI ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kahit na inaprubahan nila ang resolusyon ng Iceland para maim­bestigahan ang drug war ng gobyerno, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Binanggit ni Locsin na ang resulta ng botohan ng UNHRC ay “small and harmless matter” kaya’t hindi na kailangan ng Pilipinas na kumalas pa sa nasabing council.

“We’re staying in UNHRC as a pedagogical duty to teach Europeans moral manners. We’re NOT severing diplomatic relations with any country. If we did, where’s the conversation? How do you insult those who insulted us if you cut them off?” katuwiran ng kalihim sa tweet nito kahapon.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa diplomatic relations sa bansang Iceland.

Ito ang ipinaabot ng Pangulo kay Panelo matapos silang magkausap nitong Lunes nang gabi.

Sinabi ni Panelo na seryoso ang Pangulo na tapusin na ang ugnayan sa Iceland dahil malisyoso at one-sided ang resolusyong inihain sa UNHRC.
“I talked to President Duterte and he is seriously considering cutting diplomatic relations with iceland,” ani Panelo.

Binanggit naman ni Senador Imee Marcos na wala namang masyadong Pinoy na naninirahan sa Iceland kaya’t mas mainam na putulin na lang ang ugnayan ng Pilipinas sa nasabing bansa.

“Keri nay an! I-cut na diplomatic relations with Iceland, wala naman tayo OFW roon. Wala ata 10 Filipinos there working and married to Iceland nationals,” pahayag ni Marcos sa kanyang text message kahapon.

“It will show they should not treat us like a banana republic,” dagdag pa nito. (Aileen Tali­ping/Dindo Matining)

The post ‘Pinas hindi kakalas sa UNHRC – Locsin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *