‘Pinas ‘economic offensive’ dapat ang diskarte – Salceda

Isang “economic offensive” lamang ang agarang magpapabangon sa Pilipinas mula sa pagkakalugmok dulot ng Covid-19 pandemic.

pinas economic offensive dapat ang diskarte salceda - ‘Pinas ‘economic offensive’ dapat ang diskarte – Salceda
joey - ‘Pinas ‘economic offensive’ dapat ang diskarte – Salceda

Isang “economic offensive” lamang ang agarang magpapabangon sa Pilipinas mula sa pagkakalugmok dulot ng Covid-19 pandemic.

Ito ang binigyan-diin ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Salceda, isang kilalalang ekonomistang mambabatas.

Isa sa mabisang armas para sa opensibang pang-ekonomiya ay ang dagliang pagpapatibay ng Kongreso sa panukalang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act,’ na matagal nang nakabibinbin sa lehislatura.

Giit ni Salceda, lalong pasisiglahin ng CREATE Act ang implementasyon ng “Build, Build, Build program” ng gibyernong Duterte.

Kaugnay ng kanya panawagan, naglabas si Salceda ng isang ‘34-point manifesto’ na naglalayong isulong ang programang “Lupigin ang Covid-19” ni Pangulong Duterte na inaasahan niyang babanggitin ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27.

“Kailangan ang tapang ng kalooban sa panahon natin ngayon. Hindi natin malulupig ang Covid-19 virus, at mapipigilan ang pag-urong ng ekonomiya kung tayo’y matatakot at magtatago, bagama’t nagawa na natin ang dapat gawin upang mapigil ang mabangis na pagsambulat nito,” anang mambabatas.

Pinuna rin nito na sa kabila ng kakulangan ng kakayahan ng ating bansa, “ipinakikita ng mga ‘epidemiological models’ na napigilan ng mga mahigpit na ‘quarantine lockdowns’ ang tinatayang mga 3.5 milyong pagkahawa sa virus.

“Panahon naman ngayon upang labanan ang pagbulusok ng ekonomiya natin,” dagdag niya, kasabay ang paala-ala na ang hindi seryuso at aktibong paglaban sa pandemya ay tiyak na hahantong sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

“Tiyak, hindi natin maililigtas ang bawat trabaho. Malaki na ang mga ipinagbago ng ekonomiya ngunit magagawa nating magsikap upang lumikha ng higit sa isang trabahong katapat ng bawat trabahong nawala, at maaaring sanayin natin ang mga mamamayan sa mga bagong trabahong lilikhain,” paliwanag ni Salceda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *