Pinas COVID no.1 sa Western Pacific

Bukod sa pinakamaraming naitalang kaso sa mga bansa sa Southeast Asia, nangunguna na rin ang Pilipinas sa bilang ng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa rehiyon ng Western Pacific.

pinas covid no 1 sa western pacific - Pinas COVID no.1 sa Western Pacific
covid 1 1 - Pinas COVID no.1 sa Western Pacific

Bukod sa pinakamaraming naitalang kaso sa mga bansa sa Southeast Asia, nangunguna na rin ang Pilipinas sa bilang ng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa rehiyon ng Western Pacific.

Ang nasabing rehiyon ay kinabibilangan ng mga bansa mula Asya, Pacific at Oceania, kung saan kabilang din ang China na dating epicenter ng COVID-19.

Buhat nitong Biyernes, Agosto 7, numero uno ang Pilipinas batay sa naitala nitong 122,754 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Maging sa mga bagong kaso ay nangunguna rin ang bansa na nakapagtala ng 3,379 dagdag na COVID-19 positive nitong Biyernes.

Kung death toll naman ang pagbabasehan, nasa ikalawa ang Pilipinas na may 2,168 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID habang 66,852 naman ang kabuuang nakarekober matapos madagdagan ng 96 nitong Biyernes. (Raymark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *