‘Pinas bumulusok sa global competitiveness ranking

Lumagapak ang Pilipinas sa pang-64 sa Global Competitiveness Report ng World Economic Forum mula sa 56th noong 2018.

pinas bumulusok sa global competitiveness ranking - ‘Pinas bumulusok sa global competitiveness ranking
wef - ‘Pinas bumulusok sa global competitiveness ranking

Lumagapak ang Pilipinas sa pang-64 sa Global Competitiveness Report ng World Economic Forum mula sa 56th noong 2018.

Tinitimbang ng Global Competitiveness Report kung gaano ka-productive ang isang bansa o ekonomiya at tinitignan nito ang iba-ibang pamantayan tulad ng mga institusyon, imprastrastura, ICT, istabilidad ng ekonomiya, kalusugan ng mga mamamayan at iba pa.

Ayon sa report, bumagsak ang iskor ng Pilipinas pagdating sa organized crime o mga sindikato at bumaba rin pagdating sa kung maaasahan ang mga pulis.

Pagdating sa organized crime, pang-114 ang Pilipinas at ang ranking sa kung maaasahan ang mga pulis ay nasa 126.

Bumagsak din ang Pilipinas sa usapin ng judicial independence kung saan pang-110 lang, na nagpapahiwatig na walang sariling paninindigan ang hukuman at naiimpluwensiyahan ito ng ehekutibo.

Pang-111 lang din ang Pilipinas sa 141 pagdating sa freedom of the press.

Pang-88 naman ang Pilipinas pagdating sa ICT adoption at pang-102 lang pagdating sa kalusugan.

Singapore ang pinaka-competitive na bansa, ayon sa report.

Sumunod dito ang Estados Unidos at Hong Kong.

Ang Chad sa Africa naman ang kulelat sa ranking, sumunod ang Yemen sa Arabian Peninsula at Congo na sa Africa rin matatagpuan. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *