‘Pinas bumagsak English proficiency

Pumwesto na lamang ang Pilipinas sa ika-27 sa kakayahan ng mga bansa sa paggamit ng wikang Ingles, ayon sa isang global language training company.

The post ‘Pinas bumagsak English proficiency first appeared on Abante.

pinas bumagsak english proficiency - ‘Pinas bumagsak English proficiency
abnate english - ‘Pinas bumagsak English proficiency

Pumwesto na lamang ang Pilipinas sa ika-27 sa kakayahan ng mga bansa sa paggamit ng wikang Ingles, ayon sa isang global language training company.

Ayon sa pinakabagong English Proficiency Rankings ng kompanyang Education First, nagtala ang bansa ng EF English Proficiency Index (EPI) na 562.

Pangalawa ang ‘Pinas sa pinakamataas na English proficiency sa Asya, sunod sa Singapore.

Pero patuloy ang paglagapak ng Pilipinas sa listahan, mula 14th noong taong 2018 at 20th noong 2019 patungong 27th spot nitong 2020.

Netherlands ang nanguna sa rankings ngayong 2020, sa EF EPI score na 652.

Ang datos ng Sweden-based company ay mula sa resulta ng online test na nilahukan ng 2.2 milyong adult mula sa 100 non-native English speaking country at rehiyon. (SDC)

The post ‘Pinas bumagsak English proficiency first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *