‘Pinas aangat sa ‘Global Innovation Index’

TINATAYA ni Albay Rep. Joey Salceda na patuloy at lalong bibilis ang pag-a­ngat ng Pilipinas sa ‘Global Innovation Index’ (GII) bunga ng mga pagsusumikap ng Department of Science and Technology (DOST) at mga suportang batas mula sa Kongreso.

pinas aangat sa global innovation index - ‘Pinas aangat sa ‘Global Innovation Index’
abante Index - ‘Pinas aangat sa ‘Global Innovation Index’

TINATAYA ni Albay Rep. Joey Salceda na patuloy at lalong bibilis ang pag-a­ngat ng Pilipinas sa ‘Global Innovation Index’ (GII) bunga ng mga pagsusumikap ng Department of Science and Technology (DOST) at mga suportang batas mula sa Kongreso.

Pinuri ng mambabatas ang DOST sa pag-angat ng Pilipinas sa ika-73 ranggo ng GII ngayong taon mula sa pang-54 noong 2018 sa pangkalahatang 179 bansang kasali. Kamakailan, inilathala ang bagong GII ng Cornell University graduate business school INSEAD at ng World Property Organization, kung saan tumalon ng 19 na antas ang Pililipinas at umiskor ito ng pangkalahatang 36.18 ngayong taon mula 31.56 noong 2018.

Sa pamantayan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), dapat mayroon man lang 380 ‘researchers, scientists and engineers’ (RSE) ang nagsisimulang lumagong mga bansa kada mil­yong mamamayan, at ang gastos nito para sa ‘research and development’ ay dapat isang porsiyento (1%) man lang ng gross domestic product (GDP).

Ayon sa ulat ng DOST, lumalaki diumano ang porsiyento na naturang gastos ng bansa sa ilalim ng RA 11035 na umakit ng 14 na ‘Balik Scientists’ sa u­nang dalawang buwan ngayong taon na maaaring sa 70-80 bago matapos ang 2016 na mahigit sa 60 nilang target.

Ang mga ‘Balik Scientists’ ay mga ekspertong Pinoy RSE na nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa. Sila’y kinukontrata ng pamahalaan na bumalik sa bansa at ibahagi at ibuhos ang kanilang mga kaalaman sa mga larangan ng kalusugan, agrikultura, mga yamang dagat at ilog, enerhiya at mga lumilitaw na bagong teknolohiya.

Bukod sa ‘Balik Scientist’ at ‘Science for Change Program (S4CP)’ na naglalayong palaguin ang makasensiyang pagkamalikhain at imbensiyon, at pananaliksik kaugnay sa pagpapasulong ng lipunan, inakda rin ni Salceda ang iba-ibang panukalang batas sa sensiya at teknolohiya. Kasama rito ang pag­likha ng Philippine Space Agency na naghihintay na lamang na mabigyan ng kaukulang opisyal na bilang nito. Kasama rin siyang may-akda ng panukalang ‘Natio­nal Innovation Act.’

Kasama rin sa mga bill ni Salceda ang ‘Comprehensive Nuclear Regulation Act’ (HB 8733) na magtatatag ng komprehensibong nuclear regulatory policy framework at lilikha sa Philippine Nuc­lear Regulatory Commission (PNRC).

Ang PNRC isang independiyenteng ahensya na mangangasiwa sa mga usapin tungkol sa kaligtasan, seguridad, aspects at proteksiyon kaugnay sa mga nuclear and other radioactive materials, at mga pasilidad at kagamitang nagsi­singaw ng radiation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *