Pinakamatandang lalaki sa mundo pumanaw na

Yumao na ang tinakda ng Guiness World Record na pinakamatandang lalaki sa buong mundo.

pinakamatandang lalaki sa mundo pumanaw na - Pinakamatandang lalaki sa mundo pumanaw na
abante record - Pinakamatandang lalaki sa mundo pumanaw na

Yumao na ang tinakda ng Guiness World Record na pinakamatandang lalaki sa buong mundo.

Sa edad na 112, nasawi si Bob Weighton dahil sa sakit na cancer.

Si Weighton ay mula sa Alton, Hampshire sa United Kingdom. Sa kanyang mahabang buhay ay naging guro at engineer ito.

“With great sadness, the Weighton family announces the death of our beloved Bob Weighton. He died peacefully in his sleep, from cancer, on the morning of Thursday 28 May 2020 at his flat in Alton, Hampshire, where he lived independently. Aged 112, Bob was the oldest man in the world,” ayon sa pahayag ng kanyang pamilya.

“A role model to us all, he lived his life interested in and engaged with all kinds of people from across the world. He viewed everyone as his brother or sister and believed in loving and accepting and caring for one another,” paglalarawan sa kanya ng mga malalapit na kamag-anak.

Noong ika-112 birthday ni Bob noong March 29, pinagdiwang lang niya ito nang tahimik dahil sa COVID-19 lockdown, at nilarawan niyang ‘in a mess’ umano ang mundo ngayon.

Tatlo ang naging anak ni Bob, nagkaroon ng 10 apo at 25 na apo sa tuhod. (Raymark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *