Pinakamahabang non-stop commercial flight inabot ng 19 oras

NAKUMPLETO ng Australian carrier Qantas ang pagsubok sa pinakamahabang non-stop commercial passenger flight mula New York patungong Sydney.

pinakamahabang non stop commercial flight inabot ng 19 oras - Pinakamahabang non-stop commercial flight inabot ng 19 oras
ABANTE commercial flight - Pinakamahabang non-stop commercial flight inabot ng 19 oras

NAKUMPLETO ng Australian carrier Qantas ang pagsubok sa pinakamahabang non-stop commercial passenger flight mula New York patungong Sydney.

Gamit ang Boeing 787-9, nilakbay ng 49 pasahero ang 16,200 kilometrong ruta sa loob ng 19 oras at 16 minuto.

Upang maiwasan ang refuelling, pinuno ng aviation fuel ang aircraft, kinontrol ang baggage load at walang cargo.

Wala pang commercial aircraft na nakalipad ng non-stop mula New York patungong Sydney na puno ng pasahero at cargo.

Habang nasa flight, isinailalim sa test ang brain waves ng piloto gayundin ang kanyang melatonin level at pagiging alerto. Nagkaroon din ng eherhisyo sa mga pasahero upang masuri ang epekto ng pagtawid ng maraming time zone sa katawan ng tao.

Sa susunod na buwan, susubukan din ng aircraft ang non-stop flight mula London patungong Sydney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *