Pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo

INATASAN ng Senate Electoral Tribunal (SET) si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na magkomento sa mga petisyon na inihain laban sa kanyang pagkapanalo noong May 13 midterm elections.

The post Pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo appeared first on Abante News Online.

pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo - Pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo
Koko kasado sa miting sa pekeng pangulo ng PDP Laban - Pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo

INATASAN ng Senate Electoral Tribunal (SET) si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na magkomento sa mga petisyon na inihain laban sa kanyang pagkapanalo noong May 13 midterm elections.

Magkahiwalay na petition for quo warranto ang inihain sa SET nina Reymar Mansilungan ng Mercedes, Camarines Sur at Efren Adan, isang senior citizen sa Manila.

Sa magkahiwalay na petisyon, nais ng mga ito na ipawalang bisa ang pagkapanalo ni Pimentel sa katatapos na halalan.

Iginiit ng mga petitioner na kapag pinayagang manungkulan si Pimentel ay ito na ang kanyang magiging ikatlong termino bilang senador.

Sa ilalim ng konstitusyon, maaari lamang manungkulan ang mga sena­dor sa dalawang magkasunod na termino.

Naniniwala ang mga petitioner na unang termino nang maituturing ni Pimentel ang kanyang panunungkulan noong August 2011 hanggang June 2013 nang manalo sa electo­ral protest laban kay Senador Juan Miguel Zubiri na sinundan ng kanyang ikalawang termino mula 2013 hanggang 2019.

Nabatid na ang notice na ipina­dala kay Pimentel ng SET at pirmado ng lima sa siyam na miyembro nito. (Dang Samson-Garcia)

The post Pimentel kinukwestyon ang pagkapanalo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *