Piloto patay sa bumagsak na eroplano sa Davao del Norte

PATAY ang isang piloto matapos na bumagsak ang pinapalipad na spray plane sa Purok 1, Brgy. Mangalcal, Carmen, Davao del Norte kahapon nang umaga. Dead-on-arrival sa Carmen District Hospital ang biktimang si Jessie Kevin Lagapa, 25-anyos. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagsasagawa ng aerial spraying si Lagapa sa plantasyon ng saging […]

The post Piloto patay sa bumagsak na eroplano sa Davao del Norte appeared first on Abante News Online.

piloto patay sa bumagsak na eroplano sa davao del norte - Piloto patay sa bumagsak na eroplano sa Davao del Norte
dead 1 - Piloto patay sa bumagsak na eroplano sa Davao del Norte

PATAY ang isang piloto matapos na bumagsak ang pinapalipad na spray plane sa Purok 1, Brgy. Mangalcal, Carmen, Davao del Norte kahapon nang umaga.

Dead-on-arrival sa Carmen District Hospital ang biktimang si Jessie Kevin Lagapa, 25-anyos.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagsasagawa ng aerial spraying si Lagapa sa plantasyon ng saging mula Brgy. Kasilak, Panabo City nang masilaw umano ito sa sinag ng araw na dahilan upang tumama sa high-tension wire.

Ang spray plane na gamit ng pilotong biktima ay ay isang single-engine biplane. Bumagsak ito sa sakahan ng isang Alodia Omega.

Mabilis na nagpadala ng mga imbestigador ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng CAAP sa lugar upang magsagawa ng pagsisiyasat.

The post Piloto patay sa bumagsak na eroplano sa Davao del Norte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *